Thursday 19 April 2007

ayayay PAG-IBIG!


ang pag-ibig nga naman. may pagkakatulad nga talaga sa seks-- mahapdi,
makirot, masakit. ngunit sa paglaon, sumasarap. para ring bino...habang
tumatanda...habang tumatagal, lalong nagiging pino ang lasa.




pero kailangan ba talagang masaktan kapag nagmamahal? sa dinami-dami ko
nang nakita at natulungang mga kaibigan na may problema sa pag-ibig, di
yata't unti-unti akong natatakot maranasan ito. ayokong masaktan o umasa
katulad nila. ayokong magmukhang tanga dahil lang sa isang taong
mabubuhay naman ako kahit wala sa aking mundo. kontento na siguro ako
sa pagmamahal na binibigay ng mga kapamilya at kaibigan. hehehe.




ngunit napagisip-isip ko-- ang mga kaibigan kong ito na lumuha at
nagmukhang tanga dahil sa pag-ibig ay ang mga pili sa mundong nakaranas
magmahal ng tunay. hindi man ito nagtagal, swerte pa rin silang
matikman ang tamis na naidudulot ng tunay na pag-ibig. sila man ay
nagpapakatanga dahil sa pag-ibig, may angkin pa rin silang karanasan
at karunungang namumukod-tangi at hindi basta-basta nakukuha o
natututunan.




may sagot na rin ako sa tanong na kung kailangan ba talagang masaktan
kapag nagmamahal. ang sagot, siyempre...OO. ang pag-ibig ay katulad rin
ng ibang bagay sa mundo-- para pahalagahan, kailangang dumanas ng hirap
bago matikman ang ligayang hatid ng tunay na pag-ibig.











Wednesday 11 April 2007

Rancheros Grill

Rating:★★★★★
Category:Restaurants
Cuisine: BBQ / Ribs
Location:V. Mapa Street, Davao City
Aaaaah!!! Nalalasahan ko pa ang baby back ribs nila...so delish! Saka ngayon lang ako nakatikim ng fresh mango juice na fresh talaga...parang bagong pitas...hehehe.^o^ and ang mashed potatoes, it was the best I ever had. yung sisig rice, may pagka-oily and the price is not that friendly (nabutas bulsa ko...huhu!), but I got my every penny's worth. =)